Obama, dumating sa Vietnam para sa 3-day visit

By Kathleen Betina Aenlle May 23, 2016 - 03:56 AM

 

File photo/Google

Hapon na ng Linggo nang dumating si US President Barack Obama sa Vietnam para sa kaniyang tatlong-araw na state visit.

Layon ng pagbisita ni Obama ay ang gawing partner ang dati nilang kalaban upang maging magka-agapay sa paglaban sa pagiging agresibo ng China sa South China Sea.

Apat na dekada na ang nagdaan nang magkaroon ng digmaan sa pagitan ng US at ng Vietnam, pero ngayon, nais ni Obama na palakasin ang kanilang defense at economic ties.

Bago tumungo si Obama sa Vietnam, pinag-debatehan pa sa Washington kung gagamitin ba ng pangulo ang tatlong araw na pagbisita niya para alisin na ang embargo ng mga armas sa Vietnam, na inaasahang ikakagalit ng China kung sakali.

Posible kasing dumagdag ito sa pagka-inis ng China sa pagkami ng US sa mga kalapit-bansa nito na nakaka-agawan nila sa mga teritoryo sa South China Sea at isa doon ang Vietnam.

Oras na alisin ng US ang ban sa Vietnam, mangangahulugan ito ng pagiging normal ng pagbili ng armas mula sa mga partners nito.

Gayunman, wala namang balita sa kung ano ang napag-desisyunan tungkol sa pag-aalis ng embargo sa Vietnam.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.