Pumalo na sa 512.25 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 512,254,927 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 82,954,768 cases.
Sumunod na rito ang India na may 43,072,486 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 30,418,920 naman ang kaso sa Brazil habang 28,542,884 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Germany – 24,608,074
– United Kingdom – 22,025,925
– Russia – 18,167,281
– South Korea – 17,194,616
– Italy – 16,349,788
– Turkey – 15,028,397
– Spain – 11,833,457
– Vietnam – 10,638,632
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,256,570 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 466,077,512 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.