Ping Lacson biktima ng ‘fake news’ sa Bicol

Ipinagdiinan ng kampo ni independent presidential candidate Ping Lacson na ‘fake news’ ang kumakalat na pagkansela ng kanyang pangangampaniya sa Bicol, partikular na sa Naga City. “This is fake news. Please be advised that the events are pushing through as scheduled,” ayon sa kampo ni Lacson. Ang maling impormasyon ay ikinakalat ng ilang grupo na hindi na nila tinukoy. Ngayon araw magtutungo si Lacson sa Catanduanes para makausap sina Virac Mayor Sinforoso Sarmiento Jr., at Gov. Bobby Cua. Kasunod nito ay tutungo siya sa Naga para sa isa na naman town hall meeting bago makikipagkita kayCáceres Archbishop Rolando Tria Tirona sa Archbishop’s Palace para sa isang courtesy call. At pupunta ito sa Albay para sa mga katulad na aktbidades. Samantala, ang kanyang running mate na si Vicente ‘Tito’ Sotto III naman ay nasa Cebu maghapon ngayon araw. Unang magtutungo sa Dumanjug si Sotto para humarap kina Mayor Gungun Gica, Cong. Peter Calderon at iba pang mga lokal na opisyal. Makatapos ay magtutungo siya sa Mactan para humarap sa mga transport at women’s groups. Bago siya babalik ng Maynila ay dadalaw muna siya kay Cebu Archbishop Jose Palma.

Read more...