Mga paliparan sa Colombia, isinara dahil sa bulkan

By Kathleen Betina Aenlle May 23, 2016 - 03:56 AM

 

File photo/Google

Pwersahang isinara ng mga opisyal ang isang paliparan sa western Colombia matapos magbuga ng abo ang malapit na mataas na Nevado del Ruiz volcano.

Ayon sa Geological Service ng Colombia, halos 2,300 metro ang taas ng pag-buga ng abo ng nasabing bulkan dakong alas-5:50 ng umaga ng Linggo.

Tatlong oras bago ito naganap, nagkaroon na rin ng mas mahinang pag-alburoto ang Nevado del Ruiz volcano kung saan nagbuga rin ito ng mas mababang lebel ng abo.

Sa unang pagbuga pa lamang ng bulkan, agad nang isinara ang La Nubia airport sa Manzales na kabisera ng Caldas state.

Ang nasabing bulkan na may taas na 5,231 metro ay masusing inoobserbahan ng mga eksperto simula pa noong 1985 dahil sa pagsabog na ikinasawi ng nasa 25,000 katao at ikinasira ng buong bayan ng Armero.

Ayon rin sa mga seismologists, ang mga pagyanig sa lupa ay isang senyales ng paggalaw ng magma sa loob ng bulkan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.