Kapag pinalad na manalo, sinabi ni PROMDI presidential candidate Manny Pacquiao na isa sa mga una niyang gagawin ay ang pagsusulong ng pagbuo ng Department of Youth Development (DYD).
Aniya, ang DYD ang magiging tanging ahensiya ng gobyerno na magsisilbi sa mga kabataan sa bansa.
Ito rin, dagdag pa ni Pacquiao, ang magbibigay ng full scholarship grants sa mga kabataan na nais mag-aral sa kolehiyo, hanggang sa gustong magkaroon ng masteral degrees.
“More on parang turuan sila especially moral values, kasi we have to empower them. Sila ang future, para maihanda ang mindset nila na sila ang pag-asa ng bayan,” sabi pa nito.
Dagdag pa nito, napakahalaga din ng sports development sa mga kabataan upang hindi malulong sa mga masasamang bisyo.
Diin ni Pacquiao panahon na para pagtuunan ng sapat na pansin ang mga kabataan para matiyak na magiging maganda ang kanilang kinabukasan, gayundin ng bansa.