Malakanyang nakiramay sa mga naulila sa pagbagsak ng tulay sa Bohol
By: Chona Yu
- 3 years ago
Nagpaabot ng pakikiramay ang Palasyo ng Malakanyang sa pamilyang naulila ng bumagsak na tulay sa Bohol.
Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar, ipinagdarasal din ng Palasyo ang agarang paggaling ng mga nasugatan.
“We express our condolences to the families of the victims who perished with the collapse of a bridge in Loay town in Bohol. We likewise pray for the swift recovery of those who got injured,” pahayag ni Andanar.
Apat katao ang nasawi sa pagbagsak ng tulay.
” Authorities are currently conducting an investigation even as we assure everyone, especially affected residents and communities, of government assistance, ” pahayag ni Andanar.