Ipinahayag ni Dave Almarinez na tuloy-na-tuloy ang kanyang laban bilang kinatawan ng unang distrito sa Laguna matapos magsilabasan ang mga animo’y black propaganda laban sa kanya.
“Wala nang makakapigil sa pagbabagong dala ng inyong lingkod. Huwag tayong maniwala sa mga isyu na walang basehan na pilit nilang pinupukol sa atin. Tuloy ang aking laban para sa bawat isang mamamayan ng San Pedro,” ani Almarinez.
Hinimok din ni Almarinez ang kanyang mga taga-suporta na ituloy lang ang positibong pangangampanya hanggang makamit ang panalo sa halalan nitong darating na Mayo a-nuwebe.
“Ang resulta ng botohan ay siyang huhubog sa kinabukasan ng mga mamayan ng San Pedro. Piliin natin ang tama. Piliin natin ang totoo. Piliin natin ang tunay na may malasakit sa taong-bayan. Piliin natin si Dave Almarinez,” dagdag na sabi n’ya.
Ayon kay Almarinez, malawak at komprehensibo ang saklaw ng kanyang pinaglalaban para sa kapakanan ng mga manggagawa, magsasaka, kababaihan, kabataan, nakakatanda, negosyante, may kapansanan, mga single parents, at ordinaryong mamamayan.
Hinikayat nya ang mga botante na pumili ng kandidatong may kapasidad na magpatupad ng pagbabago, mag-imbita ng mas maraming mamumuhunan, at hikayatin ang pagkakaisa ng bawat sektor habang sinisimulan ng lungsod ang pagsisikap sa pagbawi pagkatapos ng pandemyang Covid-19.
“Sa panahong napakaraming mga bagay na nagbabago sa realidad at napakaraming pagsubok na ating hinaharap, nais ko pong tumulong nang taos-puso sa inyo, sa aking mga kababayan sa San Pedro,” ani Almarinez.
Naging instrumento si Almarinez sa pagbibigay ng donasyon ng 20,000 Moderna vaccine para mabilis ang pagbabakuna sa mga residente ng San Pedro. Nag-bigay din siya ng 10 dialysis machine na napapakinabangan ng libu-libong residente ng Laguna.
Aktibo din ang mag-asawang Dave at Ara Mina sa pagbibigay tulong sa mga taga-San Pedro sa kasagsagan ng pandemya. Naipagpatayo din nila ang 60 na Wi-Fi zone sa ibat-ibang pampublikong lugar sa 27 na barangay ng lungsod.
Sa resulta ng iba’t ibang sarbey, nananatiling nangunguna si Almarinez sa labanan ng pagka-kongresista sa San Pedro City. Bago kumandidato sa pangka-kongresista, si Almarinez ay nagsilbing No. 1 na bokal ng Laguna sa tatlong magkakasunod na termino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.