COVID-19 reproduction number sa NCR, bahagyang tumaas – OCTA

Photo credit: Dr. Guido David/Twitter

Bahagyang tumaas ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region, ayon sa OCTA Research.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nasa 0.71 ang reproduction number sa Metro Manila simula April 21 hanggang 27, mas mataas kumpara sa 0.62 noong April 14 hanggang 20.

Dahil dito, umakyat ang NCR sa low risk classification sa nakahahawang sakit.

Samantala, nanatili naman sa very low risk ang iba pang indicators.

Simula 21 hanggang 27, nakapagtala ang Metro Manila ng 77 na 7-day average new cases, 0.54 na 1 week average daily attack rate o ADAR, 1.4 porsyentong positivity rate, 22 porsyentong healthcare utilization rate, at 19 porsyentong ICU level.

Patuloy naman ang paalala sa publiko na sundin ang minimum health protocols.

Read more...