Hindi mangyayari ang pag-iikot ni Senator Grace Poe sa bansa kasama si Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mar Roxas.
Nilinaw ni Poe na ang hiling ni Pangulong Noynoy Aquino na siya ay mag-ikot sa bansa kasama si Roxas ay nabanggit nito noon pang unang pagpupulong nila noong buwan ng Mayo para pag-usapan ang 2016 elections at walang kongkretong detalye ang panukalang ito.
Pero sa nakaraang pulong nila ng Pangulo noong Huwebes hindi na aniya ito nabanggit ng Presidente at wala rin itong sagot sa kundisyon ni Poe na dapat ay kasamang mag-iikot si Senator Chiz Escudero.
Dahil wala naman aniyang malinaw na plano at kasunduan sa isyu, sinabi ni Poe na sa tingin niya ay hindi matutuloy ang pag-iikot nilang tatlo sa bansa ng magkakasama. “That was discussed the first time I met with the President in May to discuss 2016. This was not brought up in my last meeting with the President. There has been no concrete agreement and planning since then. I think it is safe to say that it will not push through,” ayon kay Poe.
Ayon naman kay Senator Chiz Escudero, dahil hindi na binanggit ng pangulo ang nasabing isyu posibleng hindi na ito kinukunsidera ng pangulo./ Philippine Daily Inquirer, Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.