Monsour del Rosario: Hindi ako nang-iwan, ako ang naiwan!
Nilinaw ni senatorial aspirant Monsour del Rosario na hindi niya inabandona ang Ping Lacson – Tito Sotto tandem, kundi siya ang naiwan.
Diin pa ng Filipino Olympian, mali din na paratangan siya na ‘balimbing’.
“I was already in Partido Reporma even before Ping Lacson joined. So the truth of the matter is, I was the one who got left behind, not the one who left,” giiit pa ng dating kinatawan sa Kamara ng Unang Distrito ng Makati City.
Magugunita na nagbitiw bilang chairman ng Partido Reporma si Lacson noong Marso 24 nang lumipat ng kampo ni VP Leni Robredo si dating House Speaker Pantaleon Alvarez.
Samantala, nagpaliwanag din si del Rosario na bago pa ang election period, inimbitahan na siya ng 1Sambayan na maging bahagi ng 12-man senatorial line-up ng Robredo – Pangilinan, ngunit tinanggihan niya ito dahil kabilang siya sa Partido Reporma.
“I wanted to join them back then, because I also believe in their platforms and advocacies. But they wanted me to be exclusive to them and I couldn’t do that because I am Reporma. 1Sambayan didn’t want me to be just a guest candidate so in the end, I didn’t join because Reporma was with Ping Lacson,” paliwanag pa nito.
Ngayon, bagamat hindi siya opisyal na kasama sa mga kandidato sa pagka-senador ng Robredo – Pangilinan, tandem, sinabi ni del Rosario na suportado niya ang dalawa dahil noon pa lang ay mataas na ang respeto at hinahangaan niya si Robredo.
“I belong in 1Sambayan and what we offer is an alternative list of senators who are 100% for Leni-Kiko. Even though people don’t see me in all of the rallies and in the main events, my principles, advocacies, and platforms are fully aligned with the Angat Buhay Lahat principle of Leni-Kiko,” sabi pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.