Court of Appeals, kinatigan ang claim ni incoming 1-PACMAN Rep. Romero sa Harbor Centre Terminal

By Ricky Brozas May 22, 2016 - 01:15 PM

RomeroNagbigay na ng go-signal ang Court of Appeals sa kampo ng negosyante at incoming 1-PACMAN partylist Rep. Michael Romero para i-operate ang sampung ektaryang Harbour Centre Terminal na iligal at puwersahang inangkin ng kanyang amang si Rehgis Romero II nuong Oktubre ng 2014.

Batay sa dalawamput’dalawang pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Leoncia Real-Dimagiba ng CA’s special fifteenth divison, nakasaad na  ang one source port services, inc., ang rightful operator ng Harbour Centre salig sa valid and legal port ancillary services contract at port services management contract na nilagdaan nito sa Harbour Center Port Terminal Inc. o HCPTI nuong Enero 22, 2007 at Hunyo 05, 2014.

Ang naturang mga kontrata aniya ang nagbigay sa one source ng karapatan na i-operate ang buong pasilidad ng terminal.

Kinatigan din ng appellate court ang writ of preliminary injunction na inisyu ni Pasig Regional Trial Court ng Branch 167 Presiding Judge Rolando Mislang nuong December 18, 2014 na tuluyan nang nagbabawal sa kampo ng matandang Romero na magpawalang-bisa sa mga kontrata ng one source at pagkontrola ng port operations.

Iligal din umano ang pagtanggi ng matandang Romero na kilalanin ang mga kontratang pinasok nito sa one source dahil sa kakulangan ng judicial determination sa dahilang hindi sumunod ang huli sa mga nakasaad sa kontrata.

Batay kasi sa general rule, kailangan iparating sa hukuman ang anumang hindi pagsunod sa kontrata at itoy hindi maaring desisyunan lamang ng iisang partido sa katuwirang hindi sumunod o nilabag ng isang kampo ang nakasaad sa mga probisyon ng kasunduan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.