WATCH: Local absentee voting para sa 2022 elections, umarangkada na

By Chona Yu April 27, 2022 - 06:27 PM

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Umarangkada na ang tatlong araw na local absentee voting sa bansa.

Mismong si Commission on Elections (Comelec) chairman Saidamen Pangarungan ang nanguna sa pagboto sa local absentee voting.

Bumoto si Pangarungan sa main office ng Comelec sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Manila.

Bumoto rin si Comelec Commissioner Aimee Torrefranca-Neri

Nasa 84,357 ang boboto sa local absentee voting.

Kabilang na rito ang mga sundalo, pulis, government personnel, at mga kagawad ng media.

Sa Manila Police District, mismong si MPD Director Brig. Gen. Leo Francisco ang nanguna sa local absentee voting, kasama ang ilang opisyal ng kanilang departamento.

Nasa 114 na tauhan ng MPD ang bumoto na mula sa 14 nitong presinto sa Lungsod ng Maynila.

Sinabi naman ni Comelec Commissioner George Erwin Garcia na ‘generally peaceful’ ang local absentee voting.

Tanging ang mga national position lamang ang iboboto sa local absentee voting.

Ito ay ang pangulo, pangalawang pangulo, 12 senador at party-list group.

Hindi automated election ballots ang ginamit sa local absentee voting kundi manual. Ballot lamang.

Bibilangin ang boto sa Comelec main office pagkasara ng mga presinto sa Mayo 9 ng 7:00 ng gabi.

Nasa 93,698 government at media personnel ang nag-apply sa local absentee voting pero 9,341 na aplikasyon ang hindi inaprubahan ng Comelec.

Narito ang buong ulat ni Chona Yu:

TAGS: 2022elections, 2022polls, AimeeNeri, comelec, InquirerNews, LAV, LocalAbsenteeVoting, RadyoInquirerNews, SaidamenPangarungan, 2022elections, 2022polls, AimeeNeri, comelec, InquirerNews, LAV, LocalAbsenteeVoting, RadyoInquirerNews, SaidamenPangarungan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.