Bello, Esperon, Cusi, pasok sa Duterte cabinet
Pinangalanan na ni incoming President Rodrigo Duterte ang iba pang personalidad na magiging bahagi ng kanyang administrasyon.
Ang ipupwesto bilang bagong kalihim ng Department of Labor and Employment o DOLE ay si outgoing 1-BAP Partylist Rep. Silvestre Bello III.
Si Retired General Hermogenes Esperon ang magiging National Security Adviser sa Duterte Government.
Si Jun Evasco naman ay magiging Secretary to the Cabinet, habang si Rolly Bautista ang naitalaga bilang commander ng Philippine Coast Guard o PCG.
Ang inappoint ni Duterte para maging susunod na National Economic Development Authority o NEDA Chief ay si Dr. Ernie Pernia ng UP School of Economics.
Nauna nang sinabi kahapon ni Atty. Salvador Panelo na napili ni Duterte si Alfonso Cusi bilang Energy Secretary, samantalang si dating Justice Undersecretary Jose Calida naman ay tatayong Solicitor General.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.