Quezon Memorial Circle sasailalim sa redevelopment

Aayusin ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Quezon Memorial Circle.

Ito ay para maibalik ang green spaces sa lungsod at magkaroon ng oportunidad para sa economic exchange, relaxation at recreation.

Ayon kay Belmonte, ikinunsidera ang master redevelopment plan sa QMC matapos maapektuhan ng konstruksyon ng MRT-7.

“Quezon Memorial Circle is one of the assets of QC and is considered one of the major nodes of the City’s ‘Green Lung Network’ where families can enjoy green open spaces for outdoor activities. With this redevelopment plan, we are not just focusing on beautification per se but more on a purposeful design that our QCitizens will use and enjoy,” pahayag ni Belmonte.

Ang Quezon Memorial Circle ay 27-hectare national park na nasa sentro mismo ng Quezon City.

Nakalaan ito bilang alaala ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon.

Idineklarang national cultural heritage ng National Historical Commission of the Philippines ang Quezon Memorial Shrine noong 2020.

Sa ngayon, ang Quezon City local government at National Historical Commission ang namamahala sa parke.

“We are developing this area for the next generation. QMC will remain to be an area where QCitizens can enjoy spending time doing sports and other recreational activities,” pahayag ni Belmonte.

Base sa master redevelopment plan, 70 porsyento ng QMC ay nakalaan sa green areas gaya ng picnic grounds at children’s playgrounds, themed gardens, at urban farming.

Lalagyan din ito ng multi-purpose field para sa football, softball, baseball, frisbee at iba pa.

Read more...