Inagurasyon ng Cebu-Cordova Link Expressway, pangungunahan ni Pangulong Duterte
Nakatakdang pangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa probinsya ng Cebu, araw ng Miyerkules (Abril 27).
Inanunsiyo rin ng Cebu Cordova Link Expressway Corporation (CCLEC), ang gumawa ng CCLEX, na papayagan ang mga motorsiklo na may engine displacement na 125cc pataas sa Hulyo 2022.
Bubuksan din ang sidewalk para sa mga pedestrian at biker sa nasabing buwan.
Itatapat ang pagbubukas ng 8.9-kilometer CCLEX sa makasaysayang petsa kasabay ng ika-501 pagdiriwang ng Kadaugan sa Mactan.
“We are happy and honored to have come to this point, opening the biggest infrastructure project in this part of the country,” pahayag ni Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) Chairman Manuel Pangilinan.
Dagdag nito, “Not far from here 501 years ago, Cebuanos celebrated a victory in a pitched battle against a superior force. Today, we mark a different milestone, a modern victory not of arms but of engineering and construction that gave us such a beautiful structure that has now become an icon of Cebu.”
Ito ang kauna-unahang toll road project ng MPTC sa labas ng Luzon.
Ang CCLEX ay may design speed na 60 hanggang 80 kilometers per hour (kph) at may navigational clearance o height na 52 meters upang makadaan ang malalaking sasakyan sa ilalim ng tulay.
Gagamit din ang CCLEX ng all-electronic toll collection system.
Upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga motorista na makapagpakabit ng RFID sticker, papayagan muna ang pagtanggap ng cash payment.
Ipatutupad naman ang full electronic toll collection sa Hunyo 2022.
“Our company is happy to complete this project and contribute to the economic development of the southern Philippines,” saad naman ni MPTC President and CEO Rodrigo Franco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.