40 tauhan ng Coast Guard District NCR – Central Luzon, sumalang na sa local absentee voting

PCG photo

Pinangasiwaan ng Commission on Elections (Comelec) ang local absentee voting ng ilang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa 2022 elections, araw ng Miyerkules (Abril 27).

Aabot sa 40 tauhan ng Coast Guard District NCR – Central Luzon ang sumalang sa local absentee voting.

Nakatalaga kasi ang nasabing bilang ng PCG personnel na magbantay para sa kaligtasan at seguridad sa isasagawang 2022 National and Local Elections sa Mayo 9.

Pinamahalaan nina Atty. Gregorio Bonifacio at Jayson Ramel ng Comelec ang nasabing election-related activity.

PCG photo
Read more...