Mayroong nabuong low pressure area (LPA) sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Base sa abiso ng PAGASA bandang 11:00, Miyerkules ng umaga (Abril 26), huling namataan ang sama ng panahon sa layong 195 kilometers Kanluran ng Zamboanga City, Zamboanga del Sur dakong 10:00 ng umaga.
Nakapaloob ang LPA sa umiiral na Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Sulu Sea.
Sa ngayon, mababa pa ang tsansa na maging bagyo ang LPA sa susunod na 24 oras.
Ayon sa weather bureau, inaasahang magdadala ang LPA ng katamtaman hanggang mabigat na kung minsan ay matinding buhos ng ulan sa Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Samar Provinces, at Zamboanga Peninsula.
Samantala, mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay mabigat na pag-ulan naman ang iiral sa nalalabing parte ng Visayas at Mindanao, Romblon, Masbate, at Palawan.
Kasunod nito, nagbabala ang PAGASA na posibleng makaranas ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.