Manufacturers ng sardinas, noodles humirit ng ‘price hike’

By Jan Escosio April 27, 2022 - 08:33 AM

Isinapubliko ng Department of Trade and Industry (DTI) na may food manufacturers na nais magtaas ng presyo ng kanilang mga produkto bunsod ng pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo.

Sinabi ni Trade Assistant Secretary Ronnel Abrenica na tatlo hanggang limang porsyento ang nais na maging pagtaas sa presyo ng mga gumagawa ng ilang brand ng sardinas at noodles.

Ngunit, sinabi ni Abrenica na pinag-aaralan pa nila kung makatuwiran na pagbigyan ang gusto ng mga manufacturers.

Sabi pa ng opisyal, ikinatuwiran sa hirit ang pagtaas ng production costs bunga nang pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo.

Araw ng Martes, Abril 26, naulit ang ‘price hike’ sa petroleum products.

TAGS: dti, InquirerNews, PriceHike, RadyoInquirerNews, RonnelAbrenica, dti, InquirerNews, PriceHike, RadyoInquirerNews, RonnelAbrenica

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.