Isang PTV-4 anchor, nabiktima ng basag-kotse

By Isa Avendaño-Umali May 22, 2016 - 10:58 AM

Photo from PTV-4's Twitter account
Photo from PTV-4’s Twitter account

Nabiktima ng basag-kotse ang isang newscaster ng PTV-4.

Kwento ni Kirby Cristobal, nakaparada lamang ang kanyang kulay silver na van sa isang parking area sa San Juan City.

Inakala niyang safe o ligtas ang kanyang sasakyan, lalo’t ipinarada niya ito malapit sa police station at may alarm pa ang van.

Kabilang sa mga natanggay ng hindi pa nakilalang mga salarin ay stereo at pera.

Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan na ng mga pulis ang krimen.

Isinagawa na rin ng otoridad ang finger print test.

 

TAGS: Kirby Cristobal, Kirby Cristobal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.