40,000 pulis sa May 9 polls puwedeng dagdagan – PNP chief
Inanunsiyo ni Philippine National Police (PNP) Chief Dionardo Carlos na ang higit 40,000 pulis na inatasang magbantay sa papalapit na eleksyon ay posible pang madagdagan sa susunod na linggo.
Ito aniya ay para matiyak na magiging maayos at mayapa ang botohan sa Mayo 9.
Nabanggit nito na may 16,000 pulis na katatapos lamang sa kanila mandatory career courses at field training exercises ang sasabak din sa pagbabantay sa eleksyon.
Dagdag pa ng hepe ng pambansang pulisya, nakatutok sila sa mga kaganapan para matiyak na matutupad ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapayapa at maayos na eleksyon.
“I would like them to focus already on their AOR pero kapag kailangan, emergency will have virtual meeting for giving instructions based on what we know, what we have information para yung ating pong mga field commanders are properly guided,” diin ni Carlos.
Bahagi rin ang PNP sa pagsusumikap ng Commission on Elections (Comelec) na mapigilan ang vote-buying at iba pang ilegal na aktibidad na may kaugnayan sa nalalapit na halalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.