Ayon kay Duterte, isa sa mga rason kaya hindi raw tinanggap ni Teodoro ang DND post ay dahil sa pagkakaiba nila ng posisyon sa ilang usapin.
Kabilang na aniya rito ang isyu sa pagmimina, lalo’t chairman ng isnag mining company si Teodoro.
Sinabi pa ni Duterte na alam ni Teodoro na galit siya sa mining na labis na nakakaapekto sa kalikasan.
Nauna nang sinabi ni Teodoro na inalok nga siya ni Duterte ng pwesto sa gabinete.
Gayunman, hindi raw siya agad nag-oo dahil kinailangan niyang kunsultahin muna ang pamilya.
Si Teodoro ay dating Kongresista pero mas nakilala bilang DND Secretary noong administration ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Taong 2010, sumabak si Teodoro bilang pambato ng partidong Lakas-Kampi-CMD sa Presidential race, subalit tinalo ni Pangulong Noynoy Aquino.