Bukod pa dito, nais din ni de Lima na mabusisi ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang iba pang social amelioration programs (SAPs) para malaman kung may nadedehado na mga benipesaryo.
Sa inihain niyang Senate Resolution 1000 layon ni de Lima na alamin kung may mga probisyon sa batas na dapat amyendahan para mapagbuti pa ang 4Ps.
Aniya base sa mga nakarating sa kanyang impormasyon may mga posibleng pagkukulang sa pagkasa ng 4Ps tulad ng pagkakaantala ng pagbibigay ng ayuda, gayundin ang kulang na halaga ng tulong na ibinibigay.
Dagdag pa ni de Lima, may pangangailangan na lubos pang maipaliwanag ang layon ng programa na kanyang isinulong sa Senado katuwang si dating Sen. Antonio Trillanes IV.
Si de Lima ang namumuno sa Senate Committee on Social Justice at vice chairman niya si Trillanes nang maipasa sa Senado ang panukala.