Willie Revillame, showbiz entertainers sumipot sa Tutok to Win Partylist grand rally

Photo credit: Tutok to Win Party-List

Sa pangunguna ni Willie ‘Kuya Wil’ Revillame, dumagsa ang showbiz personalities sa ginanap na grand campaign rally ng Tutok to Win Partylist group sa Sampaloc, Maynila.

Si Frontrow Philippines co-founder Sam ‘SV’ Verzosa ang first nominee ng Tutok to Win Partylist.

Kabilang din sa mga personal na nagpaabot ng suporta kay Verzosa si Binibining Pilipinas candidate Herlene Budol o mas kilala bilang “Hipon Girl.”

Nagbigay kasiyahan naman sa daan-daang dumalo sa rally si stand-up comedienne Boobsie at ang grupong Ex-Batallion.

Sa pagpapakilala ni Revillame kay Verzosa, sinabi ng game show host na napabilib siya sa matinding kagustuhan ng huli na makatulong at makapagsilbi sa kapwa.

“Ang Tutok to Win para sa akin, ang ibang partylist mayroon silang mga adhikain pero kami ang adhikain naming, ang purpose ng Tutok to Win ay para sa lahat,” sabi ni Revillame.

Dagdag pa nito, “Pinagkakatiwalaan ko sila dahil sila ang may busilak na puso sa pagtulong sa ating mga kababayang mahihirap.”

Read more...