‘Agricultural criminals,’ may paglalagyan sa Lacson – Sotto admin

By Jan Escosio April 25, 2022 - 04:47 PM

Photo credit: Sen. Ping Lacson/Facebook

Tiniyak ni Vice Presidential aspirant Vicente ‘Tito’ Sotto III na kapag sila ni independent presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson ang susunod na mamumuno sa bansa, may kalalagyan ang mga tinawag niyang ‘agricultural criminals.’

Sa town hall dialogue sa Tarlac City, iginiit nina Lacson at Sotto na huli na sa unang taon ng kanilang administrasyon ay makakasuhan ang mga pumapatay sa kabuhayan ng mga magsasaka.

Dagdag pa ni Sotto, bago naman matatapos ang kanilang termino ay nakakulong na ang kanilang mga pinakasuhan.

“Nananawagan po ako sa ating mga magsasaka, mangingisda at pati sa ating poultry at hog raisers na tulungan kami ni Sen. Lacson mailuklok bilang pangulo at pangalawang pangulo ng ating bansa nang tuluyan na natin maipahinto at mapakulong ang mga sindikato sa likod ng agricultural smuggling dito sa ating bansa,” diin pa ni Sotto.

Banggit pa nito, sa anim na taon ng kasalukuyang administrasyon, walang naipakulong na mga sangkot sa ilegal na pagpupuslit ng mga produktong agrikultural sa kabila nang mga ikinasang operasyon at pagkakarekober ng tone-toneladang ebidensiya.

Unang nang ibinunyag ni Sotto sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole kaugnay sa agricultural smuggling, may 20 pangalan ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ng suspected smugglers.

Bukod pa dito, ang listahan ng mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) na nagbibigay proteksyon naman sa smugglers.

TAGS: 2022elections, 2022polls, AgriculturalCriminals, DA, InquirerNews, PingLacson, RadyoInquirerNews, VicenteSotto, 2022elections, 2022polls, AgriculturalCriminals, DA, InquirerNews, PingLacson, RadyoInquirerNews, VicenteSotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.