Bilang ng mga nakatanggap ng libreng sakay sa MRT-3, umabot na sa higit 6.6-M

Sumampa na sa 6,603,458 ang kabuuang bilang ng mga nakatanggap ng libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, naitala ang nasabing bilang simula March 28 hanggang April 24, 2022.

Sa ngayon, nasa huling linggo na ang programang libreng sakay ng nasabing linya ng tren.

Tatagal ang libreng sakay sa MRT-3 hanggang Abril 30, 2022.

Read more...