NLEX at PNP, muling inalerto ang mga motorista sa ‘Pamamahayag’ ng INC

By Isa Avendaño-Umali May 22, 2016 - 07:41 AM

ArenaMuling inabisuhan ng pamunuan ng North Luzon Expressway, maging ng Philippine National Police o PNP ang mga motorista sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa Northbound lane ng NLEX dahil sa evangelical mission ng Iglesia ni Cristo o INC ngayong araw ng Linggo (May 22).

Kahapon pa lamang ay dumagsa na ang aabot sa dalawampu’t limang libong INC member sa Philippine Arena, sa Bocaue, Bulacan.

Ang naturang event ng INC ay tinatawag na ‘Pamamahayag’, na pangungunahan ni INC Executive Minister Eduardo Manalo.

Nagdagdag na rin ang NLEX ng mga personnel upang matiyak ang kaayusan sa trapiko, lalo na ang pupunta sa Philippine Arena, Ciudad de Victoria.

Habang ang PNP ay nagpakalat na rin ng sapat na bilang ng mga pulis para masiguro ang seguridad sa pagtitipon.

Noong nakalipas na Martes (May 17), maraming motorista at pasahero ng uminit ang ulo dahil sa matinding daloy ng trapiko, dulot ng medical mission ng INC sa bahagi ng Commonwealth.

 

TAGS: Iglesia ni Cristo, INC Pamamahayag, Iglesia ni Cristo, INC Pamamahayag

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.