PH internet speed bumilis noong Marso

By Chona Yu April 24, 2022 - 09:15 PM
Bumuti ang fixed broadband at mobile median download speeds sa Pilipinas noong Marso batay sa report ng Ookla Speedtest Global Index. Mula sa 49.10Mbps na naitala noong Pebrero ay umakyat sa 52.16Mbps ang fixed broadband median speed sa bansa. Ang latest download speed ay kumakatawan sa 6.23% month-to-month na increase sa speed para sa fixed broadband. Ang average download speed para sa fixed broadband ay naitala sa 83.37Mbps. Bumilis din ang mobile median speed sa download speed na 19.38Mbps mula sa 18.79Mbps noong Pebrero. Ang latest median download speed ay kumakatawan sa 3.14% month-to-month increase sa speed para sa mobile.  Ang Average download speed para sa mobile ay naitala sa 45.48Mbps. Ang pagbuti ng internet speed ay kasunod ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na pabilisin ang ng mga local government units ang pag-iisyu ng permit sa mga telcos at mabilis na pagtatayo ng mga cellular towers at fiber optic network na kinakailangan sa pagpapalakas ng kanilang serbisyo at connectivity.

TAGS: internet speed, news, ookla, Radyo Inquirer, internet speed, news, ookla, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.