BBM-Sara-Alex Lopez grand rally sa Manila, dinumog

By Chona Yu April 24, 2022 - 09:13 PM

Photo credit: Atty. Alex Lopez/Facebook

 

Dumalo ang libo-libong supporters sa isinagawang Grand Rally ng BBM-SARA Uniteam nitong ika-23 ng Abril sa Earnshaw, Sampaloc, Manila. Pinangunahan ni Mayoralty candidate Atty. Alex Lopez ang pag-oorganisa ng naturang aktibidades, kasama ang kanyang ka-tandem na si VM bet Raymond Bagatsing kabilang ang mga nasa hanay sa konseho at kongreso. Sa unang pagkakataon, nagkasama ang magkapatid na sina Atty. Alex at Congressman  Manny  Lopez ng Distrito 1,  kasama ang kanilang pinsan na nagbabalik na si Cong. Carlo Lopez sa nasabing Grand Rally. Nagpakita ng pagsang-ayon ang kanilang tagasuporta at sinabayan ito ng malakas at paulit-ulit na sigaw na “Lopez!” Pinangunahan ng nag-iisang Tanging Ina na si Ai-Ai delas Alas at ang namumukod tanging si Bayani Agbayani ang pinakamahalagang parte ng programa. Ilan sa mga naunang performers at artists ang Plethora Band, X-Battalion, at Hale. Nakiisa din ang ang mga tumatakbong senador na sina Migz Zubiri, Larry Gadon, Mark Villar,  Harry Roque, Win Gatchalian, Gringo Honasan, Jinggoy Estrada, at Herbert Bautista Nagpapasalamat si Mayor Inday Sara kay Atty. Alex Lopez at sa kanyang mga kasama dahil naging posible ang Grand Rally sa Manila. Nagagalak na pinakilala ni Atty. Alex si Senador Bongbong Marcos. Ipinahayag ni Lopez na iisa ang kanilang layunin ng BBM-Sara Uniteam – ang mapaigting ang pagsugpo sa problema sa kahirapan ng bansa. Ipinakita ng kaganapang ito ang pagkakaisa para sa ating Inang Bayan! At pinatunayan ng naturang Grand Rally ang mga naglabasang surveys kung saan nangunguna sina BBM, Sara, Atty. Alex, at Raymond para sa darating na May 9 polls. Nagtapos ang makasaysayang programa ng pagtataas ng kamay nina BBM at Sara sa mga tumatakbong kandidato ng Maynila na pinangungunahan ni Atty. Lopez at Raymond Bagatsing. “Solid ang Maynila sa tambalang UniTeam sa Maynila,” wika ni Marcos, Jr.

TAGS: Alex Lopez, BBM, grand rally, manila, news, Radyo Inquirer, sara, Alex Lopez, BBM, grand rally, manila, news, Radyo Inquirer, sara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.