Hindi na naitago ni Atty Ferdinand Topacio ang pagkadismaya nito sa Senado at Court of Appeals(CA) sa ginagawa nitong pag-iisnab sa kaso ng dalawang Pharmally Executives na 6 na buwan nang nakakulong sa Pasay City Jail nang walang kinahaharap na criminal case. Sa isang mahabang tweet ay inilabas ni Topacio ang sama ng loob sa patuloy na paglabag sa due process at kawalang pakialam ng Senado sa kalagayan nina Pharmally Director Linconn Ong at Pharmally Secretary Mohit Dargani na matapos kasuhan ng contempt at ipakulong noong nakaraang taon sa isang Senate investigation ay hinayaan nang mabulok sa kulungan dahil abala na ang mga senador sa pangangampanya. “In the heat of the campaign, we seemed to have forgotten that my client, Mohit Dargani, has been languishing in jail with no charges, much less a crime committed, but due only to one Senator’s pride,” nakasaad sa tweet ni Topacio. Sina Senate President Tito Sotto at Sen. Panfilo Lacson ay una nang nagsabing pabor silang palayain na ang dalawa dahil nakarecess na ang Senado at tapos na ang kanilang imbestigasyon sa Pharmally mess subalit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nagpapalabas ng clearance para sa kanilang paglaya si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen.Dick Gordon na syang may hurisdiksyon sa isyu. Ayon kay Topacio nagpasaklolo sila sa CA at naghain ng habeas corpus petition dahil sa illegal detention subalit nakakalungkot na inupuan din ito ng ilang buwan ng appellate court, ani Topacio, para umusad ang kaso ay kinailangan pa nilang magsampa ng kasong administratibo at motion to inhibit laban kay CA 5th Division Associate Justice Apolinario Bruselas. Matatandaan na naging kontrobersiyal si Bruselas nang tanging ito lamang ang bumagsak sa 7 kandidato na sumalang sa public interview ng Judicial Bar Council para sa inaaplayang posisyon bilang Associate Justice sa Supreme Court , naungkat kasi sa nasabing public interview ang administrative case na kinahaharap nito sa Judicial Integrity Board at ang delay sa pagresolba sa mga hawak na kaso. Sa kasalukuyan ay nag-inhibit na si Bruselas sa habeas corpus case at nairaffle sa CA 4th Division sa sala nina Associate Justices Ramon Bato Jr, Rafael Antonio Santos at Lorenza Bordios. Sinabi ni Topacio na umaasa silang maaksyunan na ang petisyon dahil hindi lamang ang kalagayan ng kanyang kliyente ang nakasalalay dito kundi maging ng pamilya. “Now that the habeas corpus case is before the 4th Division, we hope that the justices therein will do what becomes them as judges and take immediate action as the petition involves basic liberties. Justice delayed is truly justice denied not only for the litigants but for their loved ones who also suffer especially when the head of the family is unfairly imprisoned,” pagtatapos pa ni Topacio.
CA at Senado pinuna, Pharmally executives nakakulong pa rin nang walang kaso
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...