OFW na apektado ng lockdown sa Shanghai, bibigyan ng $200

By Chona Yu April 23, 2022 - 03:40 PM

 

Bibigyan ng tig $200 na ayuda ng Department of Labor and Employment ang bawat overseas Filipino workers na apektado ng lockdown sa Shanghai, China.

Ito ay matapos higpitan ang health protocols sa Shanghai dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, ang Department of Foreign Affairs ang nag-identify sa mga apektadong OFW.

Nakahanda aniya ang DOLE na magbigay ng financial assistance sa mga OFW.

Sinabi pa ni Bello na bukod sa pinansyal na ayuda, nagpadala din aniya ang DOLE ng pagkain, medisina at iba pang pangangailangan ng mga apektadong OFW.

“Nagpapadala tayo ng pagkain, medisina sa kanila and as soon as ma-identify natin sila upon instruction of the DFA, we will give them the usual grant of $200 per OFW,” pahayag ni Bello.

TAGS: China, lockdown, news, ofw, Radyo Inquirer, shanghai, Silvestre Bello III, China, lockdown, news, ofw, Radyo Inquirer, shanghai, Silvestre Bello III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.