Lola napilayan, stampede sa pagtitipon ng mga taga-suporta ni congressional candidate Rose Nono-Lin sa QC

 

Nakaratay ngayon sa ospital ang isang lola matapos mabalian ng paa nang mauwi sa stampede ang pagtitipon ng mga taga-suporta ni congressional candidate Roe Nono-Lin sa Capasco Warehouse sa P. dela Cruz Street, Brgy. San Bartolome, Novaliches Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Lola Emie, 74 anyos.

Ayon kay Lola Emie, nagtungo siya sa ipinatawag na payout ng mga leader ni Nono-Lin para mabigyan ng P500 kapalit ng ID.

Agad na dinumog ng mga tao ang naturang payout dahilan para magkaroon ng stampede at masugatan si Lola Emie at iba pa.

Lalo pa aniyang nagkagulo ang mga tao nang i-anunsyo ng coordinator na magkakaroon ng cutoff at 1,500 katao lamang ang mabibigyan ng pera.

Hinimatay naman ang isang senior citizen na si Marilyn matapos magkatulakan.

Ito na ang ikalawnag pagkakataon na nagkaroon ng kaguluhan sa payout operation ni Nono-Lin.

Agad namang inakusahan ng non government organization na Kowalisyong Kontra Korupsyon na vote buying ang ginagawa ni Nono-Lin.

Nagsampa na ang grupo ng 290 na kaso sa Comelec laban kay Nono-Lin.

Tinawag naman ng kampo ni Nono-Lin na fake news ang mga naglabasang balita at ibinintang sa mga kalaban sa pulitika ang mga paninira.

Ito naman ay mariing itinanggi ng Chief of Staff ni Congressman Vargas na si Rhodora Salazar na tinawag na kwentong kutsero ang mga paratang ng kampo ni Nono-Lin.

“Bakit nila ipapasa sa iba ang mga nangyayaring eto na sa mga headquarters nila mismo nagaganap lahat?Ang totoo, pinagsasamantalahan nila ang kahirapan ng Novalenyo at ang hirap na dulot ng pandemya para sa sarili nilang pulitika! First time nangyari sa kasaysayan ng QC na ganito katindi at katalamak na vote-buying! Ayan may naaksidente nanaman!” Siguro dapat nalang nilang sagutin ang mga kasong isinampa sa kanila ang iba’t ibang malayang mamamayan ng Quezon City,” pahayag ni ni Salazar.

Pinangako naman ng Comelec na aaksyunan nito ang mga nasampang reklamo sa madaling panahon at bago pa man matapos ang eleksyon.

Read more...