51 percent ng mga health workers sa bansa, wala pang COVID-19 booster shots
Aabot sa kalahating porsyento ng mga health workers sa bansa ang hindi pa natuturukan ng booster shots kontra COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 49.07 percent pa lamang sa mga health workers ang nabigyan ng booster shots.
Nangangahulugan ito na ang natitirang kalahati ay wala pa.
Sa ngayon nasa 95 percent ng mga health workers sa Pilipinas ang fully vaccinated na.
Mga brand ng bakuna na Pfizer, Moderna, at Sinovac ang inirerekoemnda ng Department of Health na booster shots ng mga health workers.
Tiniyak naman ng DOH na sapat ang suplay ng bakuna sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.