Ceboom grand rally ni Robredo, nag-iwan ng 3 truck ng basura
Tatlong truck ng basura ang iniwan ng mga taga-suporta ni Vice President Leni Robredo sa Ceboom grand rally sa North Reclmation Area sa Mandaue City, Cebu.
Ayon kay Engineer Marivic Cabigas, head ng Department Of General Services ng Mandaue City, aabot sa 50 government at volunteer private employees ang nagtutulong-tulong para linisin ang kalat ng mga taga-suporta ni Robredo.
Aabot sa 5.2 ektaryang lupa ang venue ng rally.
Nahirapan aniya ang mga empleyado at mga volunteer na maglinis dahil sa laki ng lugar at maputik.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.