Barangay Ginebra, itinanghal na PBA 46th Season Governor’s Cup champion

By Jan Escosio April 22, 2022 - 09:34 PM

Hindi nabigo ang 20,224 basketball fans na nanood ng Game 6 ng Final’s Series ng PBA 46th Season Governor’s Cup sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nanalo ang Barangay Ginebra kontra Meralco Bolts sa iskor na 103 – 92.

Tabla ang iskor, 47 – 47, sa halftime at dalawang puntos lamang ang nagawa ni Ginebra import Justin Brownlee.

Pagpasok ng ikatlong yugto ng laro, unti-unting nag-init at binitbit ni Brownlee ang Barangay sa kanyang 17 puntos.

Hindi nakalayo ang Bolts kahit malas pa si Brownlee sa unang dalawang yugto dahil sa pagtutulungan nina Christian Standhardinger at LA Tenorio, na gumawa ng 19 at 30 puntos.

Tinanghal naman na Finals MVP si Scottie Thompson, na una nang kinilalang Best Player of the Conference at nag-ambag ng 15 puntos.

Ang kampeonato ang ika-apat na nang Ginebra sa nakalipas na limang Governor’s Cup.

TAGS: BarangayGinebra, GovernorsCup, InquirerNews, MeralcoBolts, NSD, PBA, PBA46thGovsCupChamps, RadyoInquirerNews, BarangayGinebra, GovernorsCup, InquirerNews, MeralcoBolts, NSD, PBA, PBA46thGovsCupChamps, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.