Iniakda ang naturang batas noong Quezon 4th District Rep. Angelina “Helen” Tan at Cong. Mark Enverga.
Magsisilbi ang naturang ospital bilang kauna-unahang pagamutan para sa iba’t ibang uri ng sakit sa Southern Tagalog at isa sa magiging apex hospital o end-referral hospital sa lugar.
Pamamahalaan ito ng Department of Health (DOH) upang masiguro ang pag-abot ng mahusay, epektibo, at abot-kayang serbisyong pangkalusugan.
Nagpasalamat naman si Tan kay Pangulong Duterte sa pagsasabatas na aniya ay alinsunod sa layunin ng Universal Health Care (UHC) Act.
“Ito po ay isang mahalagang hakbang sa pag-abot ng ating pangarap na kalusugan para sa lahat ng Pilipino,” pahayag ni Tan.
Marami kasi aniyang mahihirap na may sakit ang makikinabang sa pagtatayo ng Southern Luzon MSMC.
“Napakalaking tulong ang pagtatayo ng ospital dahil hindi na magsisiksikan ang maraming mahihirap na mga pasyente sa Kamaynilaan upang magpagamot at higit na mabibigyan ng kagyat na atensyong medikal ang mga may karamdaman sa Southern Tagalog na siyang itinuturing ngayon na may pinakamataas na bilang ng populasyon sa buong bansa,” dagdag ng mambabatas.