Mayor Sara Duterte, binisita ang mga residenteng biktima ng #AgatonPH sa Leyte
Binista ni vice presidential aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte sa Immaculate Concepcion Hospital ang mga biktima ng Bagyong Agaton sa Leyte, araw ng Biyernes (Abril 22).
Kabilang sa mga binisita ng alkalde si CJ Jasme, 11-anyos na lalaking milagrong nakaligtas sa landslide nang magtago sa refrigerator.
Hinikayat ni Duterte si CJ na labanan anuman ang dumating na pagsubok sa kanya.
Maliban kay CJ, dinalaw din ng Presidential daughter ang 36 pang survivor na naka-confine sa naturang provincial hospital.
Base sa ulat ng lokal na pamahalaan ng Baybay hanggang Abril 17, umabot sa 170 katai ang nasawi habang 120 ang nawawala bunsod ng pananalasa ng dumaang bagyo.
Sa ngayon, tuloy pa rin ang search and retrieval operations sa naturang probinsya.
Samantala, binisita rin ni Mayor Sara ang daan-daang residente na pansamantalang nananatili sa evacuation facilities sa Baybay City, Mahaplag, at Abuyog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.