MMDA, nakatanggap ng donasyong Essilor sunglasses para sa traffic enforcers

By Angellic Jordan April 22, 2022 - 03:38 PM

Nakatanggap ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng donasyong Essilor sunglasses para sa kanilang traffic enforcers bilang pagbibigay-kilala sa kanilang tungkulin, lalo na tuwing panahon ng tag-init.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, pinasimulan ni dating MMDA Chairman Benhur Abalos ang donasyon ng Essilor Vision Foundation.

Nagpasalamat si Artes sa Essilor Vision Foundation para sa pagbibigay ng suporta sa mga traffic personnel.

“This donation would help shield their eyes from the intense glare of the sun while performing their duties this summer,” saad ng MMDA chair.

Lubos aniya ang pagkagalak ng ahensya sa lahat ng kanilang pribadong katuwang para sa pagbibigay ng suporta upang mapagbuti ang kondisyon ng kanilang mga empleyado.

Kasabay ng sunglasses, namahagi rin ang ahensya ng cap panlaban sa matinding init ng araw.

TAGS: BenhurAbalos, EssilorVisionFoundation, InquirerNews, mmda, RadyoInquirerNews, RomandoArtes, BenhurAbalos, EssilorVisionFoundation, InquirerNews, mmda, RadyoInquirerNews, RomandoArtes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.