Abiso sa mga motorista.
Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repair sa ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Sisimulan ang aktibida bandang 11:00, Biyernes ng gabi (Abril 22).
Narito ang mga apektadong kalsada:
1. EDSA Guadalupe Makati City NB innermost lane (bus way) mula sa Urdaneta Road (Besides Phoenix Gas Station) patungo sa EDSA Guadalupe Cloverleaf (malapit sa Guadalupe MRT Station)
2. Along C-5 Road (SB) 2nd lane
3. EDSA-Caloocan SB before Biglang Awa St. (3rd lane mula sa sidewalk)
4. Bahagi ng EDSA (SB) Service Road Corner 11th Jamboree hanggang Timog Avenue Intersection- TImog Avenue Corner Kamuning Road, (2nd block mula sa sidewalk), Quezon City
5. Bahagi ng C.P. Garcia Avenue bago ang Katipunan Avenue (3rd lane mula sa sidewalk)
6. C-5 Road sa bahagi ng Pasig Blvd. Southbound sa harap ng Burger Machine at sa parte ng Doña Julia Vargas Westbound sa hatap ng Philippine National Bank
7. C-5 Road NB (3rd lane)
8. C.P. Garcia Ave. sa harap ng Institute of Mathemathics (1st block mula sa sidewalk)
9. EDSA Quezon City (NB) pagkatapos ng P. Tuazon- Aurora Blvd. (2nd lane mula sa sidewalk [Intermittent section])
Maari namang madaanan ang mga apektadong kalsada sa 5:00, Lunes ng madaling-araw (Abril 25).
Payo sa mga motorista, dumaan muna sa mga alternatibong ruta sa kasagsagan ng naturang aktibidad.