Marikina Mayor Marcy Teodoro tahimik sa P600 milyong COVID funds

By Chona Yu April 22, 2022 - 03:20 PM

 

Bigo pa rin ang Marikina Local Government na sagutin ang Commission on Audit(COA)  sa kinukuwestiyon nitong P600M COVID 19 procurement transactions ng lungsod na pawang hindi dumaan sa kumpletong documentation. Sa 2020 annual audit report ng COA sa Marikina City Government sinabi nito na P200.51 M ang inaward nitong kontrata sa ibat ibang supplier na walang documentation habang wala ding transparency sa P457.66M pa na procurement deals sa ilalim ng emergency purchase ng Bayanihan I at Bayanihan II funds. Sinabi ng COA audit examiners na dahil emergency purchase transactions ang paggamit sa pondo ay mahalaga ang documentary requirements, malinaw itong nakasaad sa Government Procurement Policy Board Circular No. 01-2020( RA 9184) at Presidential Decree 1445 o Government Auditing Code of the Philippines. Lumitaw na ang transaksyon ng lunsgod sa pagbili ng mga COVID materials ay hindi naipaskil sa Government Procurement Policy Board online portal, ang pagpapaskil ng mga transaksyon ay itinatakda para sa transparency at accountability sa government procurements. “Mayor Marcelino Teodoro should require the Bidding and Awards Committee (BAC) to comply with the posting requirements for government transactions to ensure transparency and accountability,” nakasaad sa COA report. Inatasan din ng COA si Teodoro na ipaliwanag ang hindi pagpapaskil ng mga procurement projects ng lungsod, giniit ng COA na ang pagtiyak na nasusunud ang panuntunan sa procurement ay responsibilidad ng alkalde. “Examination of the 48 disbursement vouchers with total contract cost of P200,516,330.00 revealed that 34 procurement transactions were not supported with Mayor’s Permit and Business/Income Tax returns, while 36 of which had no Omnibus Sworn Statement,” ayon pa sa report. Maliban sa kuwestiyunableng transaksyon pinuna din ng COA ang late deliveries sa mga biniling supply ng Marikina LGU kung saan hindi pinatawan ng penalty ang mga supplier. “13 purchase orders totaling P20.585 million in CY 2020 were made beyond the delivery terms specified in the POs (purchase orders) and total penalties of P.502 million were not imposed on late deliveries” giit pa ng COA.

TAGS: COA, COVID funds, Marcy Teodoro, COA, COVID funds, Marcy Teodoro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.