Lider ng mga katutubo sa Bukidnon pinatay ng NPA

By Den Macaranas May 21, 2016 - 04:31 PM

NPA2
Inquirer file photo

Inamin ng New People’s Army (NPA) na sila ang nasa likod ng pagpatay sa isang lider ng mga katutubo sa Malaybalay City kaninang umaga.

Pinagbabaril ng ilang mga armadong kalalakihan habang nasa kanyang opisina sa Barangay Casisang sa Malaybalay City ang biktimang si Datu Benjamin “Otto” Oman.

Si Oman ang kinatawan ng mga katutubo sa City Council ng Malaybalay City

Sinabi ni Ariel “Inda” Mabanwag, tagapagsalita ng CPP-NPA sa South at Central Bukidnon na matagal nang sangkot sa land-grabbing at ilang gawaing kriminal si Oman.

Mula noong 1995 ay nagsisilbi rin umanong informer ng militar ang nasabing pinuno ng mga katutubo.

Bago napatay, si Oman ay isa sa mga kritiko ng maka-kaliwang grupo sa kanilang lungsod.

TAGS: bukidnon, malaybalay city, NPA, oman, bukidnon, malaybalay city, NPA, oman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.