Grand rally nina BBM-Sara-Alex Lopez tandem sa Maynila, tuloy na sa Sabado
Matapos mahirapan sa pagkuha ng permit, sa wakas, tuloy narin ang grand rally ng Bongbong Marcos – Sara Duterte tandem sa Sabado sa Maynila. ito ang kinumpirma ni Manila Mayoralty candidate Alex Lopez. Ayon kay Lopez na tumatayong chairman ng Partido Federal Pilipinas-Manila , pahirapan ang pagkuha ng permit para sa grand rally. Una rito, nagreklamo si Lopez dahil sa pagpapahirap sa kanila para makakuha ng permit sa grand rally nina BBM sa Manila.. Matatandaang una naring nagkaroon ng motorcade si BBM noong Pebrero sa Manila dahil sa dami ng taong nag-abang sa kanya sa kalsada ay naging mabagal ang pag-usad ng caravan. Sa gitna naman ng mga sinasabing posibleng maharap sa mga banta ng destabilisasyon si BBM sakaling manalong Pangulo ng bansa, iginiit ni Lopez na malabo itong mangyari. Black propaganda lang daw ito ng mga talunang kandidato. Kumpyansa si Lopez na hindi susuportahan ng taong bayan ang anumang pagtatangkang patalsikin si BBM.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.