Mga pulis di-depensahan ni Pangulong Duterte kahit matapos na ang kanyang termino
(Palace photo)
Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na bigyang proteksyon ang mga pulis kahit matapos na ang kanyang termino sa Hunyo 30.
Sa talumpati ng Pangulo sa graduation ng Philippine National police Academy Class of 2022 sa Silang, Cavite, sinabi nito na walang dapat na ipag-alala ang mga pulis na nahaharap sa kaso dahil sa pagtupad sa tungkulin dahil sagot niya ang mga ito.
“As my term draws to a close — wala kayong problema, maski retired na ako if you want my help lalo na ‘yung masabit kayo in a legitimate operation, nandiyan ako. And maybe I will appear in court for you,” pahayag ng Pangulo.
Pagdidiin ng Pangulo, mahal niya ang mga pulis.
“Ako performance of duty, I will defend you hanggang kamatayan. I will provide the legal,” pahayag ng Pangulo.
Matatandaang ilang pulis na ang nakasuhan dahil sa anti-drug war operation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.