Sen. Risa Hontiveros sa Philhealth: Ituloy ang free dialysis!

Nanawagan si reelectionist Senator Risa Hontiveros sa Philhealth na ipagpatuloy ang pagbibigay ng libreng dialysis treatment.

“Kailangan nating patuloy na alalayan ang mga dialysis patients, lalo na ngayong hindi pa tayo tuluyang naka-recover mula sa epekto ng pandemya. Siguraduhin nating makukuha muli nilang libre ang halos lahat ng dialysis sessions para sa 2022,” apila ni Hontiveros.

Sa isang taon, nangangailangan ng kabuuang 156 dialysis ang isang pasyente.

Pinagsusumikapan ni Hontiveros na hindi na maglabas pa ng P12,000 kada linggo ang mga pasyente bukod pa sa ibang gastusin.

“Imagine kung hindi pa makahanap ng trabaho at naubos na o walang savings yung dialysis patients. Hindi sila makakapagpa-dialysis. Hindi natin puwedeng hayaan na lang na mangyari ito.”

Kasabay nito ang kanyang panawagan sa Department of Health (DOH) na paigtingin pa ang information campaign para sa pag-iwas sa mga sakit at pagpapanatili ng malusog na pangangatawan para makaiwas sa mga sakit.

Read more...