Economic sabotage ang smuggling ng mga gulay, diin ni Sen. Kiko Pangilinan
Hinamon ni Senator Francis Pangilinan ang gobyerno na sampahan ng kasong economic sabotage ang mga sangkot sa pagpupuslit ng mga imported na produktong-agrikultural.
Ayon sa vice presidential aspirant, walang piyansa para sa kasong economic sabotage.
Dapat aniya ipakita at patunayan ng gobyerno na seryoso ito na matuldukan ang vegetable smuggling dahil labis-labis nang naapektuhan ang mga magsasaka at negosyante.
Kasunod na rin ito nang pagkakasabat ng 100 kilo ng smuggled carrots na dadalhin na sa mga palengke.
“100 kilos? Habang tone-tonelada carrots na nasa mga warehouse hindi ni-re-raid o hindi sinasampahan ng kaso mga may-ari nito? Mukhang budol-budol lang yung 100 kilos ng carrots. P20,000? Walang kwenta,” diin ni Pangilinan.
Inulit nito na maraming magsasaka at negosyante ng mga gulay sa Benguet ang napipilitan na itapon na lamang ang kanilang mga produkto dahil hindi nabibili bunsod nang pagbaha ng mga imported na gulay sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.