Haharap sa ikalawang pagkakataon sa The Hague Netherlands ang Philippine delegation para sa oral argument ng pagsusulong ng pagmamay-ari ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Sasagutin ng mga abogado ng na kumakatawan sa Pilipinas ang mga clarificatory questions ng five-man member ng United Nations Arbitral Tribunal. Kabilang dito ang punto tungkol sa usapin ng jurisdiction sa mismong usapin at alegasyong sinakop ng China ang teritoryong bahagi ng 370-kilometrong exclusive economic zone ng Pilipinas.
Nauna ng nilinaw ng Philippine delegation na hindi nila hinihiling sa UN arbitral tribunal na hindi nila hinihiling na pagpasyahan nito ang usapin ng soberensiya kundi sa punto lamng ng exclusive economic zone na nakapaloob sa United Nations Convention on the Law of the Sea o Unclos. Integridad ng Unclos ang nakasalalay dito ayon sa Philippine Delegation sa pangunguna ni Solicitor General Florin Hiblay.
Ang China naman ay isinusulong ang kanilang pagmamay-ari ng malaking bahagi ng West Philippine Sea sa pagsasabing ito ay bahagi ng kanilang “historic rights” sa mga lugar na kinabilangan ng Panatag Shoal, Kagitingan, Calderon, Burgos, Mabini, Panganiban at McKennan./ Gina Salcedo