Nahaharap ngayon sa kasong estafa sa Makati City Prosecutor’s Office ang mataas na opisyal ng Institutional Banking Group at nagpakilalang empleyado rin umano ng Banco de Oro.
Sa isinampang reklamo ni Jennifer Quijano Valencia sa piskalya, nakasaad na nakumbinsi sya ng respondent na si Joanna Quizon Factor para mag invest sa special project umano nito sa BDO.
Kailangan lang daw makaipon ng suspek ng 100 million para sa nasabing proyekto na tinawag nyang special Philippine time deposit project.
Ang investor pwede daw kumita ng hanggang 5% interest per annum.
Bagamat tumanggi sya nung una, kalaunay nakumbinsi din sya nito na mag invest ng 12 milyon.
Tiwala naman daw sya dahil ilang taon na rin nya itong kaibigan.
Ang naging tulay aniya sa kanila ay isa pang kaibigan na si Johanna Chung, opisyal ng BDO.
Pero naalarma na umano ang biktima ng makakuha sya ng certification kaugnay ng nasabing investment at tumanggi si Chung na kumpirmahin kung lehitimo ang nasabing certificate.
Sumulat na umano ang biktima sa BDO para malinawan hinggil sa nasabing investment pero wala parin itong tugon at hindi parin naibabalik ang kanyang pera.
- Dawit din sa reklamo si Chung at iba pang indibidwal bilang mga kasabwat umano ni Factor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.