Sa banta ng bagong COVID 19 surge, Sen. Grace Poe pinatitiyak ang suplay ng tubig

By Jan Escosio April 21, 2022 - 01:37 PM

Hiniling ni Senator Grace Poe sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno at water concessionaires na tiyakin na magpapatuloy ang suplay ng tubig sa mga konsyumer ngayon panahon ng tag-tuyo sa bansa.

“We need all hands on deck to ably manage the water requirements of our consumers especially in the face of another possible virus surge. Complacency certainly has no place in these back-to-back threats,” paalala ni Poe.

Binanggit na niya ang datos mula sa PAGASA na bumaba ang antas ng tubig sa Angat Dam, ang pangunahing pinagmumulan ng tubig ng Metro Manila.

Sa naturang dam din nagmumula ang tubig sa irigasyon sa mga taniman sa Bulacan at Pampanga.

Umaasa aniya ang lahat na tutuparin ng water concessionaires ang kanilang mga ipinangako nang palawigin ang kanilang prangkisa at susundin ang mga nakasaad sa kanilang revised concession agreement.

“The dry season comes a year in and year out. It shouldn’t be an outright excuse for unduly prolonging water service interruptions when definitely much can still be done,” sabi pa ni Poe.

Dagdag pa ng namumuno sa Senate Committee on Public Services; “It would a disservice to fail our people in their most basic need at this time of struggle to recover from the pandemic.”

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.