6.1 magnitude earthquake sa Davao Oriental

Niyanig ang Davao Oriental ng 6.1 magnitude na lindol bago mag-ala-6 kaninang umaga.

Sa impormasyon ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang ugat ng lindol at naitala sa lalim na 22 kilometro.

Naramdaman ang Intensity 4 sa Manay at Intensity 2 naman sa General Santos City at Tampakan, South Cotabato.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa Davao. Bislig at Kidapawan.

Maaring makaramdaman ng aftershocks bunga ng lindol, ayon pa rin sa Phivolcs.

Read more...