Pagbabalik ng bitay dadaan sa tamang proseso – Aguirre

Atty. Vitaliano Aguirre of the Prosecution Panel team is seen after the suspension of Day 26 of the impeachment trial of Supreme Court Chief Justice Renato Corona at the Senate in Pasay City, south of Manila, on 29 February 2012. (Bernard Testa/Interaksyon.com/Senate Pool/NPPA Images)
Inquirer file photo

Tiniyak ni incoming Justice Sec. Vitaliano Aguirre na dadaan sa mahigpit na panuntunan ng batas ang gagawing muling pagpapatupad ng death penalty sa ilalim ng Duterte administration.

Sinabi ni Aguirre na layunin ng pagbabalik ng parusang kamatayan na masawata ang tumataas na crime rate sa bansa.

Ipinaliwanag pa ng incoming DOJ Secretary na dumaan sa pag-aaral ni presumptive President-elect Rodrigo Duterte ang nasabing panukala bago ito inihayag sa kanyang mga political sorties.

Tiniyak din ng nasabing abogado na siya mismo ang titiyak na dadaan sa tamang proseso ang pagpapataw ng capital punishment.

Nauna nang hinarang ng iba’t ibang mga human rights advocates ang nasabing plano ni Duterte.

Sinabi ni dating Commission on Human Rights Chairman Etta Rosales na kailanman ay hindi sago tang bitay para solusyunan ang krimen.

Tiniyak pa ng nasabing opisyal na tiyak na dadaan sa butas ng karayom ang naturang plano ni Duterte.

Read more...