Pamamaril sa campaign sortie ni Leody de Guzman kinondena ni Sen. Bong Go

Nanawagan si Senator Christopher Go sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na masusing imbestigahan ang insidente ng pamamaril sa pakikipag-diyalogo ni presidential aspirant Leody de Guzman sa Bukidnon noong Martes.

Kasabay nito, kinondena ni Go ang insidente na nagresulta sa pagkakasugat ng limang katao.

Ayon sa senador, hindi papayag si Pangulong Duterte na inaapi ang mga maliliit.

Sinegundahan din ni Go ang pahayag ng Punong Ehekutibo na hindi nito hahayaan na maging magulo ang papalapit na halalan.

Nabanggit din ng Pangulong Duterte na ang hindi niya pag-endorso sa kandidato sa pagka-pangulo ay para matiyak niya na magiging maayos at payapa ang botohan.

Awayan sa lupa ang sinasabing mitsa ng insidente sa Bukidnon.

Read more...